Lunes, Mayo 13, 2013

Palawan


Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Luzon. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kapital nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.
Pinangalan ang lalawigan sa pinakamalaking pulo ang Pulo ng Palawan.

Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Banaue Rice Terraces)

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe (Ingles: Banaue Rice Terraces) ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang "Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo". Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.
Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng dagat at sumasakop ng lugar na may laking 10,360 kilometro kuadrado (mahigit kumulang sa 4000 milya kuadrado) ng gilid ng bundok. Pinapatubig ito sa pamamagitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng mundo.
Bahagi ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ng Mga Hagdan-hagdang Palayan ng ng Cordillera, isang sinaunang gawang taong estruktura na umaabot mahigit kumulang sa 2,000 hanggang sa 6,000 taong gulang. Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Apayao, Benguet, Lalawigang Bulubundukin at Ifugao, at isang Pook na Pamanang Pandaigdig ng UNESCO. 

Boracay


Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ng Malay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.


Magellan's Cross


Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Bilang tagapagpagunita ng pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan sa dako kung saan makikita ngayon ang isang krus na sinasabing kopya na lamang ng orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat sa lapida sa bandang ibaba ng krus, nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo ang tunay na krus.



Tagaytay (lake taal volcano)




Ang Tagaytay ay isang katangiang heolohikal na tinatanghal ang isang tuloy-tuloy na kataasang taluktok sa may kalayuan. Kadalasang kinakataga din ang mga tagaytay bilang mga burol o bundok, depende sa laki nito.